Sunod-sunod ang mga nag-rerenew ng kontrata (pati na rin mga bagong lipat) sa bakuran ng GMA-7.
"Nag-renew ng exclusive contract ang kambal na sina Richard at Raymond Gutierrez. Kasama sa magiging projects nilang dalawa ang pagiging co-hosts sa Party Pilipinas.
Ang aktor naman sa magkapatid, si Richard, ay susubok na rin sa hosting sa pamamagitan ng celebrity edition ng Survivor Philippines.
Noong March 10, nag-desisyon ang dalawang alaga ng talent manager na si Leo Dominguez—sina Ogie Alcasid at Lovi Poe—na manatili bilang Kapuso. Matatandaang napabalita ang umano'y paglipat ng dalawa sa TV 5. Ayon sa nakalap na impormasyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagkaroon pa nga raw ng meeting si Ogie sa big boss ng nasabing network sa Hong Kong.
Opisyal na ring Kapuso si Mark Bautista, na naging Kapamilya sa loob ng pitong taon. Kasama sa pinirmahan niyang kontrata ay pagiging isa sa regular performers ng Party Pilipinas.
Sa araw din na ito pumirma ng three-year contract ang mga talents ni Annabelle Rama—na sina TJ Trinidad, Ynna Asistio, Bubbles Paraiso at Michelle Madrigal—with GMA-7."
read more











0 reaction/s:
Post a Comment