Mula sa Pep. ph:

May offer ang isang Indian producer ng Bollywood para maging lead star ang Brazilian TV personality sa isang pelikulang gagawin sa India na mala-Lord of the Rings at Narnia ang tema.Malaki raw ang offer kay Daina at talagang ipinahanap pa raw ito ng Indian producer sa isang casting director at kinontak pa ang mother agency ni Daiana sa Brazil. Nakita raw kasi ng producer sa YouTube ang video clips ni Daiana sa Eat Bulaga! at ang isang shampoo commercial na ginawa nito.Isang e-mail daw ang ipinadala ng casting director. Ayon sa manager ni Daiana, masyadong detalyado ang sulat na naglalaman ng offer kay Daiana at mga kundisyon at requirements sa paggawa ng naturang pelikula.Under negotiation pa ito hanggang ngayon dahil hindi pa makapag- decide ang manager ni Daiana kung tatangapin ang offer dahil may kaakibat itong isang malaking career move para sa Brazilian star. Ito ay ang mag-relocate o manirahan si Daiana sa India sa loob ng isang buong taon.
source: pep.ph











0 reaction/s:
Post a Comment