Itonodo na ng Q Channel 11 ang paghahatid ng mga magaganda at mas kapanapanabik na programa dahil Kumpleto ang Buhay sa Q:

“ITO ang Buhay Q, Kumpleto.”Iyan ang tagline ng bagong station ID ng Q Channel 11 na nagpapa kita ng mas pinalawak na programming ng channel na papatok sa kahit sino -- lalaki man o babae, matanda o bata, mayaman o mahirap.“Nagdagdag kami ng mga show mula sa iba’t ibang genre na mapupusuan ng lahat ng vie wers. ‘Yan ang Buhay Q -- kumpleto kasi lahat, may magugustuhan at mapupulot na kaalaman dito,” kuwento ni Lots Topacio, ang AVP/Creative Director for Creative Services ng Q Channel 11.Mapapanood sa bagong station ID ang stars ng Q Channel 11 na sina Lucy Torres-Gomez, Wilma Doesnt, Christine Jacob-Sandejas, Suzi Entrata-Abrera, Zoren Legaspi, Issa Litton, Chef Sau del Rosario, Chef Rosebud Benitez, Sam Oh, Tim Yap, Mr. Fu, Sam YG, Paolo Paraiso, Archie Alemania, Jana Dominguez, Gee Canlas, Jan Manual, Alfred Marquez, Sexbomb Jolan at German Moreno.Kabilang sa mas pinasayang programming lineup ng Q Channel 11 ang I Laugh Sabado (comedy variety show) at Kitchen Battles (bagong dagdag sa listahan ng mga cooking show ng channel na kinabibilangan ng True Confections, Quickfire, Sarap at Home at My Favorite Recipes).Hindi rin mawawala ang kuwentuhan dahil nandiyan ang shows na The Sweet Life, Full Time Moms at Tweetbiz.
Thank you: Abante-tonite











0 reaction/s:
Post a Comment