Tuesday, June 22, 2010

GMA to start replacing shows that are not performing well?

Isa sa mga tatangalin na show ng Kapuso ang Claudine. Hindi naman daw dahil sa hindi pumatok ang drama anthology ni Claudine. Kaya ito aalisin na sa ere ay sa dahilang hindi daw magtugma ang scheduling ng bida dahil meron din siyang shooting ng In Your Eyes. Pero bibigyan si Claudine Baretto ng bagong show, isang soap opera na maraming bida.

Aminado ang Kapuso Network na may mga programang hindi gaanong kina kagat ng masa kaya apektado ang rating. Wake up call daw sa kanila ang nangyari.

Ibinigay na sample ni Mr. Gozon ang nangyari sa SOP na pinalitan nila ng Party Pilipinas mata pos matalo ng ASAP. Maraming taong naghari ang SOP bago ito natalo ng katapat na programa.

Maging ang Sis, dating programa nina Janice and Gelli de Belen and Carmina Villaroel na tu­magal sa ere pero nang pumasok ang Show time ng ABS-CBN ay bumababa ang rating kaya pinalitan din nila ng Diz Is It. Pero hindi rin nag-click ang nasabing talent program kaya pagdating ng August ay mawawala na sa ere ang Diz Is It at papalitan na ito ng iba - (salmat naman kung ganon).

Pero ang Bubble Gang na aminado silang may pagkakataong nananalo at may pagkakataong talo sa rating, walang plano ang network na tsugihin. “We never thought of changing or tapusin ang programa,” sabi ng dalawang bossing ng GMA 7.

Samantala, mukang hindi na matutuloy ang paglipat ni Richard Gomez sa TV5 dahil may naka-line up na na mga programa para sa aktor. Ganun din sa Kapuso actress na si Iza Calzado - na napapabalitang hindi nabibigyan ng trabaho - ay may nakalinya ng mga programa.

Patuloy paring nangunguna ang Kapuso Network sa Mega Manila ayon sa pinkahuling data na inilabas ng AGB Nielsen.

source: Philstar.com

0 reaction/s:

Post a Comment