Ayaw ngang pag-aksayahan ng panahon ni Heart Evangelista ang grupong Ampalaya Anonymous na diumano ay naninira rin sa kanya. Wala rin siyang planong alamin kung sinu-sino ang mga miyembro nito.

“Ang feeling ko, kung anuman sila, huwag na silang manggulo ng iba. Ang tatanda na nating lahat, di ba? Tumatanda na rin kami. So, deadma na lang.“Ang gaganda naman nila! Hindi na nila kailangang mang-bully ng iba. Kasi I heard also na may iba silang binu-bully. It’s so wrong. They should stop it!“They’re beautiful, they’re gorgeous ladies. They don’t need to be like that,” payo pa ni Heart sa Ampalaya Anonymous.
source: Abante.com.ph











0 reaction/s:
Post a Comment