Saturday, June 19, 2010

Kapuso, nangunguna pa rin sa buong Pilipinas!

Napanatili parin ng GMA-7 ang lamang nito sa Metro and Mega Manila ayon sa data na ibinigay ng AGB Nielsen Philippines:


NAPANATILI ng GMA Network ang lamang sa TV ratings sa viewer-rich Mega Manila mula Enero hanggang Mayo 2010, a yon sa survey results ng data supplier na AGB Nielsen Philip pines.

Nasa Mega Manila ang pinaka malaking porsyento (55%) ng total television households sa buong bansa. Ang nalalabing 45% ay pinaghahatian ng Luzon (21%), Visayas at Mindanao.

Mula Enero hanggang Mayo, nagtala ang GMA ng ave rage na 35.6%t audience share, mas mataas ng 0.7 points sa 34.9% ng ABS-CBN.
Ang Darna na pinagbidahan ni Marian Rivera ang nanguna sa lista han ng top 10 prog rams. Pasok din sa top 10 programs ang telefantas yang The Last Prince nina Kris Bernal at Aljur Abre nica, romantic comedy Full House nina Richard Gutierrez at Heart Evangelista, kantaseryeng Diva ni Regine Velasquez, at ang banner newscast ng Kapuso Network na 24 Oras.
Tinalo ng 24 Oras ang newscast ng kalabang istasyon sa pagtatala ng 26.6% household rating kumpara sa 25.1% ng huli.

Noong nakaraang eleksyon, mas pinanood ang election coverage ng GMA Network na pinamagatang Eleksyon 2010.
Mula Mayo 10 hanggang 11, nakapagtala ang Eleksyon 2010 ng ave rage TV household ra ting na 12.3%, kumpara sa 10% ng ABS-CBN.
Noong Mayo 10, nakapagrehistro ang Eleksyon 2010 ng 12.6% household rating, kumpara sa 11.1% ng kalaban.
Noong Mayo 11, umakyat ang lamang ng GMA election coverage sa 3.5%.

Napanatili rin ng GMA ang lamang nito sa Urban North/Central Luzon kung saan 21% ng national television households ang matatagpuan.
Mula Enero hanggang Mayo, nakapagrehistro ang GMA ng 40.5% percent na audience share sa nasabing area, o 7.6 percentage points na mas mataas kumpara sa 32.9 ng ABS-CBN.

Sa pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng GMA na may temang, Touching Hearts, Enriching Lives, lubos na pinaghahandaan ng Kapuso Network ang mga produksyong ilu lunsad kabilang ang Trudis Liit ni Jillian Ward, Endless Love nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Survivor Philippines: Celebrity Edition na iho-host ni Ri chard Gutierrez, at Romana Santa nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

source: Abante-tonite.com

0 reaction/s:

Post a Comment