This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.

Monday, May 31, 2010

QTV, may bago din station ID

MANILA, Philippines - Ito ang Buhay Q, Kumpleto. Ito ang tagline ng bagong station ID ng Q Channel 11 na nag­pa­pakita ng mas pinalawak na programming ng chan­nel na para sa lahat – mapa-lalaki man o babae, matanda o bata, mayaman o mahirap.

“Nagdagdag kami ng mga show mula sa iba’t ibang genre na siguradong mapupusuan ng lahat ng viewers. ‘Yan ang Buhay Q – kumpleto kasi lahat, may magugustuhan at mapupulot na kaa­la­man dito,” kuwento ni Ma. Lourdes Topacio, ang AVP/Creative Director for Creative Services ng Q Channel 11.

Mapapanood sa bagong station ID ang stars ng Q Channel 11 na sina Lucy Torres-Gomez, Wilma Doesnt, Christine Jacob-Sandejas, Suzi Entrata-Abrera, Zoren Legaspi, Issa Litton, Chef Sau del Rosario, Chef Rosebud Benitez, Sam Oh, Tim Yap, Mr. Fu, Sam YG, Paolo Paraiso, Archie Alemania, Jana Dominguez, Gee Canlas, Jan Manual, Alfred Marquez, Sexbomb Jolan, at German Moreno.

source: Philstar.com

GMA's newest Kapuso Station ID

Here's the newest Station ID of GMA-7 in celebration of its 60th Anniversary.

GMA 7's 60th anniversary station ID of 2010 with the theme song "Tagumpay Ng Kapuso". The theme song was composed by Simon Peter Tan and performed by Frencheska Farr, Geoff Taylor and Six Feet Long band.


Ang Bagong GMA Telebabad!

Abutin ang inyong langit sa mga programang inyong maiibigan sa bagong GMA Telebabad.

Saturday, May 29, 2010

Bakit kay Tagal ng Sandali, hindi na nga ba matutuloy?!

Mula sa Pilipino Star Ngayon:

Shelved as in hindi pa nag-uumpisa, tsugi na ang pagsasamahang programa nina Pau leen Luna at Maxene Magalona sa GMA 7 – Bakit Kay Tagal Ng Sandali. Obviously, hin di nagkasundo ang kampo ng dalawang ak tres ma tapos ang isang pag-uusap. Trudis Liit na lang ang ipapalit sa naudlot na programa ng dalawang aktres.

Hindi pa clear kung kasama pa sina Maxene at Pauleen sa ipapalit na programa.

Meron kasing issue na kasama pa rin ang da lawa at may nagbulong naman na hindi pa sigurado.

Nagkaroon ng issue kina Maxene at Pauleen dahil sinasabing pinagkaisahan ng Ampalaya Anonymous si Pauleen kung saan member si Maxene.

Sa Twitter account ni Cristine Reyes ma da las kong makita noon ang tungkol sa Am pala ya na members sina Cristine and Max ene nga, Angel Locsin, Bianca King na kaibigan din ng grupo si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar.

Mo Twister, kinasuhan ng GMA 7?

NAGHAIN ng P2M civil suit ang GMA Network laban kay DJ Mo Twister (Mohan Gumatay sa totoong buhay) dahil sa kasong breach of contract.

Kinasuhan din ng Kapuso Network ang TV5 matapos ang pagkuha kay DJ Mo bilang talent.

Sa 16-pahinang reklamo ng GMA Network, hiniling nito sa Quezon City Regional Trial Court na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan si Mo Twister na lumabas sa showbiz-oriented program na Paparazzi ng TV5.

Iginiit ng GMA Network na may exclusive talent agreement sa kanila si DJ Mo kaya hindi ito maaaring lumabas sa ibang TV network. read more

Wednesday, May 26, 2010

Posisyon sa Noynoy administration, iniaalok ka Joey de Leon?

Chika ni Jun Nardo ng Abante:

BALITANG kinukumbinse si Joey de Leon na umupo sa isang puwesto sa gobyerno ni President-apparent Noynoy Aquino.

Tuwang-tuwa raw kasi ang mga malalapit kay Noy dahil sa ginawang suporta ni Joey sa kandidatura nito.


Lalo na nu’ng halos araw-araw nagsusuot ng dilaw na T-shirt si Joey sa Bulaga na ‘yung ibang shirt niya ay may tatak pang, “Alam mo NA!”


Guess kung anong posisyon ang gustong ipahawak kay Joey? Ang Chairman ng Optical Media Board o OMB, huh!

Ito ang posisyon ngayon ni Ronnie Ricketts at iniwan ni Edu Manzano bago tumakbo bilang vice president.


Wala pang linaw kung tatanggap ng posisyon si Joey sa administrasyon ni Noynoy but if ever, qualified naman siya, huh!


source: Abante-tonite

Tuesday, May 25, 2010

Party Pilipinas, wagi nanaman!

Wagi na naman ang Party Pilipinas 13% vs. ASAP XV 12.3% noong linggo 5/23. Ang tingin ng ilan ay nakatulong ang pre-programming nitong Kapuso Movie Festival: Fantastikman.

Dapat ganito nadin ang gawin ng GMA sa noontime slot nila. Hindi nagiging maganda ang outcome ng mga shows nila dahil nahahatak pababa ng DizIzIt ang rating ng Eat Bulaga!

Friday, May 21, 2010

Ngiti by Jake Vargas Lyrics

Here's the lyrics of Ngiti by Jake Vargas:

Simple lang pala
kung paano ako liligaya
sa mundong ito
ika'y patatawahin at papaligayahin
hanggang maluha ka sa tuwa
dahil lhat ng nararamdaman mo
ay nadarama ko rin

kaya ngiti, ngiti, ngiti aking giliw
hanggang ang puso ko ay mabaliw
ngiti, ngiti and pang tawag saakin
para ang puso ko'y sayo lamang, sayo lamang uuwi

kya ngiti,ngiti,ngiti aking giliw
hangang ang puso ko ay mabaliw
ngiti,ngiti ang pantawag saakin
para puso ko'y sayo lamang, sayo lamang uuwi

ngiti (3x..)

Ngiti - First Time Love theme added at music station


We've added the song Ngiti, the love theme of First Time sung by Jake Vargas. Listen to it EXCLUSIVELY here at ChikaMinute Online.

Wednesday, May 19, 2010

You To Me Are Everything Soundtrack Added at Music Station


We've added the song You to me are everything by Kyla and Jay-R on our playlist. Keep on coming back 'coz we'll be posting an HQ version of the song very soon.

Saturday, May 15, 2010

Eat Bulaga sa Las Vegas!


Chika ni Mr. Jun Nardo ng Abante:

LAS VEGAS bound ang Eat Bulaga Dabarkads sa June 5. Gaganapin ang show nina Tito, Vic & Joey With Dabarkads sa Rio Penn & Teller Theater between 7:30-10:30 p.m. na prodyus ng EE Entertainment.

Siyempre pa, ang kalog na TVJ ang frontrunners sa palabas na ito.



Friday, May 14, 2010

Chika Lang 'Yon! Vol 1: Lipatan, Labanan at Hologram!

Mga latest na chika sa showbiz at sa mga artista, totoo ba o ♫♪ CHIKA LANG 'YON! ♫♪

Sa unang sabak ng Chika Lang 'Yon:

Sexbomb, lilipat na sa TV 5?
Kahit #1 sa timeslot nila, hindi na raw itutuloy ng programming department ng GMA ang pakikipag-co-produce nila sa Focus Entertainment ni Joy Cancio dahil ibibigay na nila ang timeslot ng Daisy Siete sa Viva Television. Dahilan kaya ito para lumipat sa TV ang Sexbomb?

TV5 at ABS-CBN, naglalabanan?
Saan kaya hahantong ang labanang TV5 at ABS-CBN? Ang #2 at #3 network ay napabalitang magtatapatan ng programa. Gagayahin daw ng ABS ang Face-t0-Face ng TV5, samantalang ang TV5 naman ay tatapatan ang SNN ng Juicy. Ohah! 'San ka pa?! Goodluck!

Hologram, peke?!
Ibinabalita ng ABS-CBN na hindi daw hologram ang ginamit sa coverage ng GMA 7 noong eleksyon at peke daw iyon. Dahil ba hindi nila matanggap ng GMA ang pinaka-pinagkakatiwalaang istasyon at talo sila sa ratings eh ibabaling nila sa hologram ang issue. Wag ganon? Hindi maganda ang inggit!? Ops! Chika Lang, walang personalan!

Kayo mga kapuso, anong say niyo sa mga isyung ito? Totoo ba o ♫♪ CHIKA LANG 'YON! ♫♪

Rico Gutierrez as new Party Pilipinas director

Mula sa tweet ni Tim Yap:

iamtimyapAnd Direk Rico Gutierrez accepts the post as director of Party Pilipinas!On his terms-signed,sealed&approved by FLG.His new term starts June.


Thursday, May 13, 2010

StarBytes: Jolina Magdangal, Endless Love at Sexbomb

Pasadahan natin ang ilan sa mga maiinit ni chika ngayon araw na ito:

Mula sa Pilipino Star Ngayon:
  • Jolina Magdangal, pumirma na ng kontrata sa Viva
  • Bagong show ng Sexbomb sa GMA, hindi ipapalit sa Diz Iz It
  • Kuh Ledesma, kasama sa Endless Love. Kasama pa sa ibang cast sina Dennis Trillo, Janice de Belen, Gabby Eigenmann, Nadine Samonte, Ces Quesada, Bella Padilla, Janna Roxas at Tirso Cruz III
credits: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=574800&publicationSubCategoryId=96

Eleksyon 2010 ng GMA, mas tinutukan ng bayan!


Chika ni Abu Tilamzik ng Abante-Tonite:

Ang GMA 7 pa rin ang tinutukan sa election coverage dahil kumpleto at impressive ang state-of-the-art equipment na ginamit sa coverage lalo na ang hologram nila kung saan parang nasa studio lang ang reporter na nagbibigay ng report sa lugar na kinu-cover nito.




Walang ratings na ipinalabas noong Lunes araw ng eleksyon ngunit kitang-kita naman noong Martes sa post-election coverage ng GMA News and Public Affairs na sila ang mas tinutukan at pinaka-pinagkakatiwalaan ng bayan:

Eleksyon 2010 11.8% vs. Boto Mo, Ipatrol Mo: Ako ang Simula 6.1%






Wednesday, May 12, 2010

You To Me Are Everything - "Ngiti" audio added at Music Station

We've added the song Ngiti by Ronnie Liang, one of the soundtrack of the movie You To Me Are Everything. Keep on visiting our site 'coz anytime soon, we will be posting the song Ngiti feat. Francheska Farr and You To Me Are Everything by JayR and Kyla.


Sunshine Dizon, tumanggi sa Diva?

Chika ni John Fontanilla ng Journal Online:

Inunahan na ni Tita Dorothy Laforteza-Dizon ang paglabas ng issue na tinanggihan ng anak niyang si Sunshine Dizon na palitan si Regine Velasquez sa Diva pag-alis ng Asia’s Songbird para sa series of shows sa Canada at Amerika.

Ayon kay Tita Dorothy nu’ng makausap namin sa telepono, gusto sanang tanggapin ni Sunshine ang na-sabing proyekto dahil nag-kausap na sila ni Regine at si Sunshine daw ang gusto nitong pumalit sa kanya sa top-rating serye ng GMA7.

Pero hindi umakma ang schedules ng tapings nito sa schedules ni Sunshine sa school, kung saan malapit na siyang mag-graduate ng Culinary Arts.

Tuesday, May 11, 2010

Daisy Siete, mawawala na?! / Elmo Magalona, ipapakita ang galing sa pag-arte sa Pilyang Kerubin

Chika ni Juna Nardo ng Abante:

Mawawala na nga ang Daisy Siete sa ere. Kinumpirma sa amin ito ni Joy Cancio na manager ng Sexbomb Girls at executive producer ng afternoon series ng GMA.

Pero ayon kay Joy, magkakaroon naman daw ng kapalit ang sinimulang programa na nagpasikat lalo kay Rochelle Pangilinan at iba pang members nito.


Samantala, matutuwa ang mga tagahanga ni Elmo Magalona dahil mapapanood siya sa bagong GMA Telebabad series, Pilyang Kerubin:


First acting job ni Elmo Magalona ang Pilyang Kerubin. Kabado nga ang anak ng Master Rapper na si Francis at Pia Magalona dahil sa bagong hamon sa kanyang showbiz career.
As we all know, ang pagra-rap sa Party Pilipinas ang first regular stint ni Elmo sa showbiz.
Kaya naman magkakaroon ng acting workshop si Elmo kasama ang cast ng bagong GMA fantaserye this week upang mawala ang inhibitions niya sa katawan!




source: Abante.com.ph

Monday, May 10, 2010

Diva, pre-empted muna dahil sa Eleksyon 2010

Preempted ang kanta­seryeng Diva ngayong gabi dahil sa Eleksyon 2010.
Magre-resume ang re­gular programming ng GMA Telebabad bukas nang gabi.

source: Abante-tonite.com

Marian, magiging busy sa mga susunod na buwan

Tuwang-tuwa si Marian Rivera sa tagumpay ng pelikula nila ni Dingdong Dantes na You To Me Are Everything dahil estimated P27 million ang kinita ng pelikula sa loob ng halos dalawang araw pa lamang.

Magsisimula nadin magtaping ang off and on-cam sweethearts ng Endless Love na mapapanood ang teaser sa Linggo sa SC (Showbiz Central)

Si Marian din ang magbibida sa remake ng Inday Bote na original ng Diamond Star, Ms. Maricel Soriano.

source: Pep.ph

Saturday, May 08, 2010

Isang kapamilya direktor nga ba ang hahawak sa Party Pilipinas?

Chika ni Nitz Mirales ng Pilipino Star Ngayon:

Matatapos na ang linggo, pero wala pa rin ang hinihintay na announcement ng GMA 7 sa da lawang directors na papalit sa nag-resign na si Louie Ignacio, na magdidirek ng Party Pilipinas. Si Rommel Gacho pa rin ang director ng Party Pilipinas na mapapanood sa Sunday telecast from the Yñares Gym sa Antipolo City.

Ang tsika, may dalawang directors nang in-offer ang Channel 7, isang Kapuso at isang Kapamilya. Nag-decline na raw ang Kapuso director dahil bukod sa may mga hawak na siyang ibang shows ng Siyete, may gagawin din itong big movie na kailangan ang focus niya.

Ang Kapamilya director ay makikipag-meeting pa sa man agement at hintayin natin ang magiging resulta nang meeting nila.



source: Philstar.com

Request ng fans, mapanood lagi si Elmo sa Party Pilipinas!

Mula sa kolum ni Noel Asinas ng Journal.com.ph:

HANGA kami sa popularidad ng 16-anyos na si Elmo Magalona, anak ni Francis Magalona na nagmana sa yumaong ama sa galing sa pagkanta at pagsasayaw.

Sa set ng Party Pilipinas sa Ybares Stadium last Wednesday afternoon, si Elmo agad ang ipina-interview sa amin ng staff ng show dahil ang teenager nina Francis at Pia ang pinakamaraming request ng fans na mapanood sa Party Pilipinas tuwing Sunday.

“Kaya ko lang gawin ngayon na talent ni Papa ay ang dancing at singing. Pero gusto ko ring pasukin ang acting. Hilig ko ring umarte. Kaya lang wala pang nag-aalok sa akin,”

May pinagkakaisahan nga ba ang Ampalaya Anonymous?

Gaano katotoo ang mga balitang may binu-bully daw sa twitter ang ilang members ng "Ampalaya Anonymous"?

NAGSALITA na ang ilan sa mga miyembro ng Ampalaya Anonymous kaugnay sa ilang isyung kinasangkutan nila.

Kinausap ni Butch Francisco sina Bianca King, Rich Asuncion at Bubbles Paraiso para linawin ang intrigang isang young actress/TV host ang binu-bully nila sa Twitter.

Ang tinutukoy na young actress/TV host ay si Pauleen Luna na biktima na ng cyberbullying.

Mariing itinatanggi ito nina Bianca at Bubbles dahil wala raw ganun, wala raw silang binu-bully o gina-gang-up na ibang tao.



Abangan ang kabuuan ng kwento sa Startalk TX, mamaya.

source: Abante-tonite.com

Friday, May 07, 2010

Sen. Bong, mananatiling Kapuso

Senator Bong Revilla denied speculations na mag-o-ober-the-bakod siya from GMA-7 to ABS-CBN.

Patuloy na umeere ang programang dati niyang hinu-host, ang Kap’s Amazing Stories. This time, his son Ram, his youngest by wife Lani Mercado, along with Jayda Avanzado, ang naghu-host ng programa.


source: journal.com.ph

Thursday, May 06, 2010

Abangan ang bagong Kapuso Station ID

Mula sa Pep Twitter:

scoopbox Kasalukuyang sinu-shoot ang bagong station ID ng GMA-7 along GMA Network Drive. Halos lahat ng Kapuso stars ay present.






Abangan ang bagong Kapuso Station ID! Malapit na!

This Just In: Dennis Trillo umamin na!?

Mula sa kolum ni Veronica Samio:

Mabuti naman at nagpaka-maginoo si Dennis Trillo at inamin din ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.

Bagaman at hindi niya direktang inamin na sila na nga ni Jennylyn, hindi rin naman ito itinanggi ni Dennis sa isang interview. Sinabi niyang ang ikina gugusto niya sa aktres ay ang pagiging malambing nito at maalaga sa kanya.



source: Philstar.com

In-3-ga Express! Round 6

Intriga #1:
Kumpirmado na ang pagsasama ni Aljur at Rhian sa bagong serye ng GMA ang Odessa.
Ipinangako naman ni Rhian sa AlKris fans na hindi niya aagawin si Aljur kay Kris. Trabaho lamang daw ang gagawin nila.

Intriga #2:
Chika ni John Fontanilla ng Journal.com- nagmistulang parang rally daw sa dami ng tao na nais makapanood ng You To Me Are Everything sa SM Megamall Cinema 8. Sure hit nanaman ito mula kay DongYan at sa GMA Films.

Intriga #3:
Mula sa tweeter ni Chris Tiu tungkol sa isyu diumano sakanila ng Brazilian model na si Diana Menezes:

chris_tiu @tiunatics Very funny! I've never even met her or seen her in person. Never had an interview as well. Haha





Sinabi na rin ni Diana na hindi totoo ang kumakalat na tsismis.

daianam Hindi totoo RT @chika_minute: Isyu kay Chris Tiu at @daianam , totoo nga ba? @tiunaticshttp://chikaminuteonline.blogspot.com/






thank you to: Journal.com.ph, Abante.com.ph

Wednesday, May 05, 2010

Chika Minute Express: Richard Gutierrez and Regine Velasquez

Chika #1:
Nanalo ng Bronze World Medal ang Planet Philippines ni Richard Gutierrez for Environment and Ecology category sa katatapos lang na New York Festivals International Television & Film Awards.

Chika #2:
Nag-check-out kagabi sa The Medical City si Regine Velasquez na isinugod sa nasabing ospital Monday night afer mag-collapse sa taping ng Diva. Over-fatigue ang nakita ng doctor na cause ng pagku-collapsed ni Songbird.

source: The Journal Group

Sino ang bagong direktor ng Party Pilipinas?

Marami na ang naghihintay sa ipinangako ni Ms. Marivin Arayata na anytime this week, ia-announce na nila ang two young directors na permanenteng hahawak sa Party Pilipinas. Walang ibinigay na clue si Ms. Marivin, kaya kanya-kanyang hulaan ang mga Kapuso viewers.

Gusto ng mga Kapuso viewers na isa si Direk Rico Gutierrez na maging isa sa dalawang per manent directors ng Sunday musical show, pag bigyan kaya sila ng Channel 7?

source: Philstar.com

Tuesday, May 04, 2010

Download Party Pilipinas Opening & Closing Theme Song


I-download na mga Kapuso ang mga Party Pilipinas Theme Songs, EXCLUSIVE sa Chikaminute Download Station.

Party Pilipinas Opening
Party Pilipinas
Sung by: PP All Stars

Party Pilipinas Closing Theme
Party Pilipinas
Sung by: PP All Stars


Marian and Dingdong reunite via Endless Love

Very busy sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa trabaho.

Ang kanilang latest movie titled You To Me Are Everything will open in theaters on May 5. Naghahanda na rin sila para sa kanilang tour sa United States at Canada kung saan kasama sila nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid. And just this Monday, May 3, nag-umpisa na rin ang shooting ng kanilang prime time TV show, ang much-awaited na Filipino version ng Koreanovela hit na Endless Love: Autumn in My Heart.igma.tv

Vic-Pia, okey lang maunahan ng Oyo-Kristine wedding?!

Sa presscon ng My Darling Aswang, hiningan ng reaksiyon si Bossing tungkol sa pagpapakasal ni Oyo at kung papayag ba siyang maunahan ang wedding nila ni Pia:

Wala namang problema sa kanya kung pa kasal na si Oyo?

“Wala! Buhay nila ‘yon, eh! I’m not the type na mangingialam sa lovelife ng iba, sa buhay ng iba. Alam ko, my children are very responsible,” tugon ng ama.

Okey lang na mauna si Oyo sa kanila ni Pia?

“Okey lang. Walang problema sa akin ‘yon! Ha! Ha! Ha! ‘Yun ay kung mauuna sila. Lets’ just wait for them to announce!” sambit pa niya.




source: abante.com.ph | Jun Nardo

Isyu kay Chris Tiu at Diana Menezes, totoo nga ba?

IKINAGULAT at itinanggi kaagad ni Daiana Menezes ang tsismis na pinopormahan siya ni Chris Tiu. Wala raw ganu’ng pang-yayari. At ‘di rin daw totoo ang balitang madalas silang magkasama ngayon ni Chris sa mga gimikan.

Nang mainterbyu si Chris Tiu, nagulat din ang binata sa balitang idini-date niya si Daiana Menezes.
Oo, sexy at maganda raw si Daiana, pero hindi raw sila nagde-date ng Brazilian model at isa sa hosts ng Eat Bulaga.

Inamin ni Chris na attracted din siya sa dalaga. Ang kaso, naka-concentrate lang talaga siya sa pagpa-practice with the RP Team kung saan si Chris ang captain ball, at lagare pa siya sa pagho-host ng Pinoy Records at Ripley`s Believe It Or Not.

source: Journal.com.ph

Sunday, May 02, 2010

Diva


May bagong sikat na singer ang Birit Records at may bagong mukha si Sampaguita! Ano kaya ang bagong look ni Sam? Abangan sa Diva, gabi-gabi sa GMA Telebabad.



Download Station: First Time OST


Pers Lab
First Time OST
Sung by: Rita Iringan
[ .download ]

Plugs and ads section updated

New TV & Movie Plugs for Langit sa Piling Mo -soon on GMA Telebabad and You to me are Everything opening May 5, 2010.

Regine, dahilan ng pag-layas ni Direk Louie?

MARIING pinabulaanan ni Direk Louie Ignacio ang kumakalat na balitang si Regine Velasquez ang rason kung bakit siya nag-resign sa Party Pilipinas.

Si Regine Velasquez daw kasi ang tinutukoy ni Direk Louie na hindi nagre-rehearse nu’ng lumabas ang balitang isa sa mga reason kaya tuluyan nang nilayasan ni Direk ang GMA7 Sunday show dahil sa mga artistang very unprofessional at hindi nagre-rehearse bago mag-perform sa Party Pilipinas.

In the first place, hindi po ako sinipa sa GMA Network. Nag-resign lang ako sa Party Pilipinas, pero I still do Mel and Joey and Tropang Potchi.




Nang lumabas ang issue na ‘yun, nag-usap na ba kayo ni Regine, tanong ulit namin kay Direk Louie?

Hindi pa kami nag-uusap ni Regine. Ang nakausap ko lang ay ang kapatid niyang si Cacai at si Ogie Alcasid.




Samantala, tsikang ma-lakas ang loob ni Direk Louie na mag-resign dahil lilipat na siya ng ibang network. May offer na ba?

Mahal ko pa rin ang GMA7. Dito ako lumaki at very supportive sa akin ang mga bosing dito.




source: Journal.com.ph

GMA 7 is the most trusted TV Network-Reader's Digest

GMA Network bagged the Gold Award for the Television Network Category in the Reader's Digest Asia Most Trusted Brands for 2010.

The awarding ceremony—which was held last Friday, April 30, at the New World Hotel in Makati City—was attended by the network's Executive Vice President and COO Gilberto R. Duavit Jr., and Vice President for Corporate Communications Butch S. Raquel.

Reader's Digest bestows the Gold Trusted Brand Award to companies or products selected by Asian consumers as their preferred brand in the market. The different categories were rated based on trustworthiness, credibility, quality, value, understanding of customer needs, ability to innovate, and social responsibility.

source: Pep.ph

Saturday, May 01, 2010

Chikaminute: Sweet Kiss edition

Chikaminute's new layout for May is now up. Enjoy your stay mga Kapuso!