Chika ni Jun Nardo ng Abante:
BALITANG kinukumbinse si Joey de Leon na umupo sa isang puwesto sa gobyerno ni President-apparent Noynoy Aquino.Tuwang-tuwa raw kasi ang mga malalapit kay Noy dahil sa ginawang suporta ni Joey sa kandidatura nito.
Lalo na nu’ng halos araw-araw nagsusuot ng dilaw na T-shirt si Joey sa Bulaga na ‘yung ibang shirt niya ay may tatak pang, “Alam mo NA!”
Guess kung anong posisyon ang gustong ipahawak kay Joey? Ang Chairman ng Optical Media Board o OMB, huh!Ito ang posisyon ngayon ni Ronnie Ricketts at iniwan ni Edu Manzano bago tumakbo bilang vice president.
Wala pang linaw kung tatanggap ng posisyon si Joey sa administrasyon ni Noynoy but if ever, qualified naman siya, huh!
source: Abante-tonite











0 reaction/s:
Post a Comment