Friday, May 14, 2010

Chika Lang 'Yon! Vol 1: Lipatan, Labanan at Hologram!

Mga latest na chika sa showbiz at sa mga artista, totoo ba o ♫♪ CHIKA LANG 'YON! ♫♪


Sa unang sabak ng Chika Lang 'Yon:

Sexbomb, lilipat na sa TV 5?
Kahit #1 sa timeslot nila, hindi na raw itutuloy ng programming department ng GMA ang pakikipag-co-produce nila sa Focus Entertainment ni Joy Cancio dahil ibibigay na nila ang timeslot ng Daisy Siete sa Viva Television. Dahilan kaya ito para lumipat sa TV ang Sexbomb?

TV5 at ABS-CBN, naglalabanan?
Saan kaya hahantong ang labanang TV5 at ABS-CBN? Ang #2 at #3 network ay napabalitang magtatapatan ng programa. Gagayahin daw ng ABS ang Face-t0-Face ng TV5, samantalang ang TV5 naman ay tatapatan ang SNN ng Juicy. Ohah! 'San ka pa?! Goodluck!

Hologram, peke?!
Ibinabalita ng ABS-CBN na hindi daw hologram ang ginamit sa coverage ng GMA 7 noong eleksyon at peke daw iyon. Dahil ba hindi nila matanggap ng GMA ang pinaka-pinagkakatiwalaang istasyon at talo sila sa ratings eh ibabaling nila sa hologram ang issue. Wag ganon? Hindi maganda ang inggit!? Ops! Chika Lang, walang personalan!

Kayo mga kapuso, anong say niyo sa mga isyung ito? Totoo ba o ♫♪ CHIKA LANG 'YON! ♫♪

0 reaction/s:

Post a Comment