Chika ni John Fontanilla ng Journal Online:

Inunahan na ni Tita Dorothy Laforteza-Dizon ang paglabas ng issue na tinanggihan ng anak niyang si Sunshine Dizon na palitan si Regine Velasquez sa Diva pag-alis ng Asia’s Songbird para sa series of shows sa Canada at Amerika.Ayon kay Tita Dorothy nu’ng makausap namin sa telepono, gusto sanang tanggapin ni Sunshine ang na-sabing proyekto dahil nag-kausap na sila ni Regine at si Sunshine daw ang gusto nitong pumalit sa kanya sa top-rating serye ng GMA7.Pero hindi umakma ang schedules ng tapings nito sa schedules ni Sunshine sa school, kung saan malapit na siyang mag-graduate ng Culinary Arts.
source: Journal Online











0 reaction/s:
Post a Comment