Sunday, May 02, 2010

Regine, dahilan ng pag-layas ni Direk Louie?

MARIING pinabulaanan ni Direk Louie Ignacio ang kumakalat na balitang si Regine Velasquez ang rason kung bakit siya nag-resign sa Party Pilipinas.

Si Regine Velasquez daw kasi ang tinutukoy ni Direk Louie na hindi nagre-rehearse nu’ng lumabas ang balitang isa sa mga reason kaya tuluyan nang nilayasan ni Direk ang GMA7 Sunday show dahil sa mga artistang very unprofessional at hindi nagre-rehearse bago mag-perform sa Party Pilipinas.

In the first place, hindi po ako sinipa sa GMA Network. Nag-resign lang ako sa Party Pilipinas, pero I still do Mel and Joey and Tropang Potchi.




Nang lumabas ang issue na ‘yun, nag-usap na ba kayo ni Regine, tanong ulit namin kay Direk Louie?

Hindi pa kami nag-uusap ni Regine. Ang nakausap ko lang ay ang kapatid niyang si Cacai at si Ogie Alcasid.




Samantala, tsikang ma-lakas ang loob ni Direk Louie na mag-resign dahil lilipat na siya ng ibang network. May offer na ba?

Mahal ko pa rin ang GMA7. Dito ako lumaki at very supportive sa akin ang mga bosing dito.




source: Journal.com.ph

0 reaction/s:

Post a Comment