IKINAGULAT at itinanggi kaagad ni Daiana Menezes ang tsismis na pinopormahan siya ni Chris Tiu. Wala raw ganu’ng pang-yayari. At ‘di rin daw totoo ang balitang madalas silang magkasama ngayon ni Chris sa mga gimikan.
Nang mainterbyu si Chris Tiu, nagulat din ang binata sa balitang idini-date niya si Daiana Menezes.
Oo, sexy at maganda raw si Daiana, pero hindi raw sila nagde-date ng Brazilian model at isa sa hosts ng Eat Bulaga.
Inamin ni Chris na attracted din siya sa dalaga. Ang kaso, naka-concentrate lang talaga siya sa pagpa-practice with the RP Team kung saan si Chris ang captain ball, at lagare pa siya sa pagho-host ng Pinoy Records at Ripley`s Believe It Or Not.
source: Journal.com.ph











0 reaction/s:
Post a Comment