Sino itong actor-pol na sinasabing diumano ay lilipat ng TV station after election?!

Hindi kami nagulat nang pangalanan ang Kapuso star na lilipat sa ABS-CBN after election dahil naramdaman na naming medyo may tampo ito sa GMA 7 nang huli naming ma-interview ang talent na ‘di muna namin sasabihin kung lalake o babae.May sinabi kasi ito sa presscon na parang patungkol sa GMA 7 at may kinalaman sa placement ng political ad. Anyway, kapag hindi nahabol, sa Channel 2 na mapapanood ang mga susunod na shows ng Kapuso star at ayon sa isang Channel 2 insider, done deal na ito, pero alam n’yo naman sa showbiz, uso ang habulan.Siguradong ma-aamaze kayo pag nalaman niyo kung sino siya at itago nalang natin sa pangalang, Bayani Rosalinda! Hahaha!
source: Philstar.com











0 reaction/s:
Post a Comment