#1) Kung ang pagiging Kapuso ni Claudine Barretto ay nagbigay sa kanya ang titulong reyna ng drama ng network at inunahan pa ang matagal nang naghihintay na makoronahan tulad nina Regine Velasquez, Marian Rivera, Sunshine Dixon, Iza Calzado, at iba pa, sino naman kaya ang masasagasaan ni Rachelle Ann Go sa pagdating niya ng walang kaabug-abog sa GMA 7 at agad ay isasalang sa Party Pilipinas?
#2) Talagang mukhang sinusuwerte ang trio nina Joshua Dionisio, Barbie Forteza, at Jake Vargas. Ngayon pa lamang ay pinag-iisipan na ng management ng GMA 7 kung ano ang susunod nilang project after First Time. At ang naiisip ay isang drama series na ilalagay sa primetime. At kung hindi mauunsyami, gagawa rin ng pelikula ang tatlo sa GMA Films.
#3) Balitang binitawan na ni Maryo J. delos Reyes simula pa nung March 27 ang pagma-manage sa career ni Robert “Buboy” Villar. Tila pera ang naging dahilan nang paghihiwalay ng dalawa dahil nagpamalas na ng interes ang pamilya ng bata na hawakan ang kinikita ng child actor.
source: Philstar.com











0 reaction/s:
Post a Comment