Hirit ni Mr. Alfie Lorenzo sa kolum niya ngayong araw:
If I know Boss Vic, mababasa niya ang iniisip ko na, “Never put all your eggs in one basket.”
Kahit dalawa lang ang eggs mo, paghiwalayin mo para parehong sumikat!
Sikat na si Sarah Geronimo ng Viva Films na nasa ASAP tuwing linggo. Si Rachelle Ann Go ay Viva star din. Pero hindi siya sisikat ng mas sikat kay Sarah habang magkasama sila sa iisang Sunday show.
Ang dapat kay Rachelle ay ilipat ni Boss Vic sa Party Pilipinas upang magkaroon ng bagong aura at mas sumikat on her own. Extra lang si Rachelle sa ASAP kaya hindi maka-Go! Go! Go!
‘Pag sa Party Pilipinas napunta si Rachelle Ann Go, mas sisikat ang tambalan nila ni Mark Bautista na hindi makaalagwa sa kabilang network dahil sa isa pang Bautista in Christian.
Dapat malagay sa tamang puwesto ang mga sadyang may talents para mapansin.
Eh kung walang magpapayo -- anong mangyayari sa career nila?
Sige ka, Rachelle, do not challenge me. Lumipat ka na agad or else I will send my condolence flowers! Hahaha!!!!
source: Abante-tonite.com











0 reaction/s:
Post a Comment