Monday, April 05, 2010

Mark Bautista excited para sa bagong soap

Chika ni Noel Asinas ng Journal.com.ph

"GUSTUNG-GUSTO nang makapagsimula ng bagong soap si Mark Bautista sa GMA7, pero ‘di pa niya magawa kahit siya’y lumipat na sa Kapuso Network.

Kasi nga, may concert commitments pa siya sa abroad. In fact, sa May ay kasama pa niya si Sarah Geronimo sa concert abroad. Mas naunang commitments ang mga ito ni Mark bago pa siya lumipat sa GMA7. Na-unawaan naman ito ng Kapuso.

Balitang kaya umalis sa Dos si Mark dahil walang ibinibigay na project sa kanya ang Kapamilya. Tanging ang Sunday musical show lang ng Dos ang kanyang programa. Kinukonsider na career move ni Mark ang paglipat sa Kapuso."


source: The Journal Group

0 reaction/s:

Post a Comment