Saturday, April 10, 2010

GMA 7 wagi pa rin!

Wagi parin ang Kapuso Network ayon sa AGB Nielsen Philippines:

NANANATILING lamang ang GMA Network sa TV ratings sa viewer-rich Mega Manila

Nitong Marso, umabot sa 36.3% ang average overall audience share (6:00 AM to 12:00 MN) ng GMA Network sa Mega Manila, mas mataas ng 0.9 percentage points sa 35.4 ng ABS-CBN.

15 GMA Network programs ang napasama sa listahan ng overall top 30 programs (ang datos mula Marso 28-31 ay ayon sa overnight ratings).

Ang huling laban ni Manny Pacquiao kay Joshua Clottey ang nanguna sa lahat ng programa, samantalang ang dalawang telefantasya ng GMA Network na Panday Kids at The Last Prince ay napasama sa top 5 programs.

Ang bagong lunsad na reality sitcom ni Michael V na Pepito Manaloto ay pang-anim sa overall ranking.

Ang kantaseryeng Diva ni Regine Velasquez ang nasa ikapitong puwesto.

Ang 24 Oras ang nakakuha ng pinakamataas na puwesto sa lahat ng news programs. Nasa ikawalong puwesto ito sa listahan ng top 30 overall programs.

Nagkamit ng 26.4 points na average rating ang 24 Oras, lamang sa kalabang TV Patrol World na may 24.1 points.

Sa News and Public Affairs programs, ang 24 Oras at Imbestigador ng GMA Network ang nakakuha sa dalawang pinakamataas na puwesto sa top 30 list. AngKapuso Mo, Jessica Soho, 24 Oras Weekend at Wish Ko Lang ay napasama rin sa top ten list.

source: Abante-Tonite.com

0 reaction/s:

Post a Comment