Mula sa kolum ni Kuya Germs sa Pilipino Star Ngayon:
Maganda yung naisip ng GMA 7 na remote telecast ng Party Pilipinas sa iba’t ibang probinsiya. Sa ganitong paraan nga naman, hindi lamang napo-promote ang programa, nabibigyan pa ng sample ang mga pinu puntahan nilang lugar kung gaano kaganda ang programa ngayon. Med yo mahirap nga lang kung tutuusin at magastos pero, mileage naman ang nakukuha nilang promosyon. In the long run, mas bentahe ito kesa yung kumuha ka ng komersiyal.Aba, dapat naman talaga nilang ipagmalaki ang PP, talagang pinagaganda at pinaghihirapan ito. Kabagu-bago pa lamang nito pero sumasabak na ito, head on at face to face, sa programa ng mga kala bang istasyon.For sure, worth it ang paglipat ni Rachelle Ann Go, dahil ang ganda-ganda ng mga spots niya. Hindi ganito kaganda ang exposure niya sa kabila. Maging si Mark Bautista.
source: Philstar.com











0 reaction/s:
Post a Comment